Manila, Philippines – Hinahanap ngayon ng Kamara sa Department of Budget and Management ang kita ng gobyerno mula sa TRAIN Law.
Giit ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hindi lamang dapat expenditure ng pondo ang tingnan kundi dapat ay silipin din ang revenue o kita ng pamahalaan.
Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin umano ito masagot ng DBM.
Malaki ding katanungan sa mambabatas ang pagtapyas ng pondo sa ilang mga ahensya sa P3.757 Trillion 2019 budget na aabot sa P10 Bilyon ang ikinaltas.
Dahil dito, hiniling pa ni Andaya sa DBM na iprisinta sa Pangulo ang ipinangako noon ng ahensya na dagdag na kita ng gobyerno.
Facebook Comments