#NASAANANGPANGULO, isang malaking kalokohan para sa Malakanyang; 99% ng mga alkalde sa bansa, rumesponde sa kanilang residente ayon sa DILG

Itinuturing ng Malacanang na isang malaking kalokohan na kagagawan ng oposisyon at kritiko ang #NASAANANGPANGULO.

Ito ay matapos mag-trending sa social media ang nasabing hashtag habang nananalasa ang Bagyong Ulysses.

Giit ni Presidential Spokeperson Harry Roque na hindi ‘missing in action’ ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil palagi itong naka-monitor sa mga nagaganap sa palagid kahit na hindi ito bumibiyahe patungo sa mga apektadong lugar.


Tiniyak din ni Roque na kumikilos ang pangulo sa panahon ng trahedya at kalamidad.

“Hindi po dapat tanungin ‘Nasaan ang Pangulo’ — ‘yan po ay kalokohan lang ng oposisyon. Ang presidente po ay hindi nawawala, palagi po natin siyang kapiling, palagi po niyang iniisip ang kapakanan ng ating mga kababayan,” punto ni Sec. Roque.

Ipinaliwanag din nito kung bakit wala ang Pangulo sa nangyaring press briefing kanina.

Aniya, nirerepresenta ng bawat Cabinet Cluster ang pangulo habang ginagampanan ng Chief Executive ang tungkulin nito bilang Chief Architect of Foreign Policy sa nagaganap na ASEAN Summit.

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Governtment Secretary Eduardo Año na 99 percent ng mga alkade ang rumesponde sa kanilang mga residente habang nananalasa ang Bagyong Ulysses.

Aniya, 1,038 mula sa 1,047 na mga alkalde ang tumugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Habang ang siyam naman sa mga ito ay tinamaan ng COVID-19 at nasa quarantine facility.

Facebook Comments