Manila, Philippines – Umaabot sa 300 kilo ng double dead na karne ng baboy ang nasabat kanina ng Manila Veterinary Inspection Board sa kanto ng Claro M. Recto at Dagupan Street sa Divisoria, Maynila.
Ayon kay MVIB Director Alberto Burdeos, na isinakay sa ilang kariton ng dalawang vendor ang daan-daang kilo ng karne na kakaiba ang itsura, maliliit ang laman, walang tatak ng inspection board, nabubulok na ang amoy na inilalako sa Divisoria, Maynila.
Paliwanag ng opisyal ang dalawang nahuling ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 10536 o 4mended Meat Inspection Code at RA 10611patungkol sa Food Safety Act.
Paalala ni Dr. Burdeos, na mag-ingat sa mga nagbebenta ng botcha dahil sa mga sindikato na nagpapakalat nito sa pamilihan lalo na at nalalapit ang holiday season.