NASABAT | 89 na baril, nakumpiska sa 2 inabandonang security agency sa QC

Quezon City – Kinumpiska ng mga otoridad ang nasa 89 na baril na expire na ang lisensiya sa dalawang security agency na anim na taon nang inabanduna sa Aurora Boulevard sa Quezon City.

Sa ulat, mismong ang caretaker na si Christopher Bautista ang siyang tumawag sa mga pulis para kunin ang 44 na shotgun, 36 na kalibre .38 at siyam na .9mm na baril na nakatago sa opisina ng tracer security network at Cebu Marangal Offices.

Ayon sa caretaker, hindi na naasikaso pa ang nasabing opisina dahil namatay sa sakit ang may-ari nito habang nagbabakasyon sa France.


Sinabi ni Bautista na hindi niya alam ang gagawin sa mga nasabing mga baril kaya at bahala na daw dito ang mga otoridad.

Facebook Comments