NASABAT | Kilo-kilong karne ng aso, nasabat sa Batangas

Batangas – Arestado ang dalawang lalaki matapos masabat sa kanila ang kilo-kilong karne ng aso sa Padre Garcia, Batangas.

Nadakip ang mga hindi na pinangalanang mga susepek sa pinagsamang operasyon ng National Meat Inspection Service, Batangas Police, at ng isang non-governmental organization kung saan mahigit sa 70 karne ng aso ang kanilang narekober sa kanilang itim na pick-up.

Ayon sa dalawang suspek, bagong katay ang mga karne mula sa Barangay Quilo-Quilo na dadalhin sana sa mga restaurant sa Baguio City.


Kasalukyan naman isinasailalim sa interogasyon ang mga suspek para malaman kung sino ang source ng mga ito.

Facebook Comments