NASABAT | Mahigit P500-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Pasay

Pasay City – Mahigit P544 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga otoridad sa isang shabu laboratory na nasa sa loob ng isang hotel sa Pasay City.

Naaresto naman sa operasyon ang apat na Chinese na galing umano sa Hong Kong na kinilalang sina Lam King Wah, Wong Ka Lok, Lam Wing Bun, at Lam Ming Sun.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, aabot sa 10 kilo ng liquid shabu at 70 kilo ng crystallized shabu ang nakumpiska sa laboratoryo.


Una nang naaresto sa buy-bust operation sina Lam King at Wong Ka matapos mabilhan ng dalawang kilo ng shabu sa Aseana Power Station, Parañaque City.

Sumunod namang naaresto sa isa pang buy-bust operation nitong Martes ng hapon sina Lam Wing at Lam Ming kung saan nakuha sa kanila ang isang kilo umano ng shabu.

Batay sa imbestigasyon ng PDEA, sina Lam Wing at Lam Ming ang “tagaluto” sa shabu lab habang nagsisilbing handler ang dalawa pang suspek.

Sabi ni Aquino, posibleng miyembro ng malaking international drug syndicate ang mga naarestong mga dayuhan.

Facebook Comments