NASABAT | Mga luxury cars, ipadudurog ni Pangulong Duterte sa BOC

Manila, Philippines – Padadaanan sa bulldozer ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamahaling sasakyan o mga smuggled luxury cars na nasabat ng Bureau of Customs sa susunod na Linggo.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa darating na Martes ay ipadudurog na niya sa Pison sa BOC ang mga mamahaling sasakyan para hindi na mapakinabangan ang mga ito.

Hindi naman malinaw kung sasaksihan niya mismo ang pagsira sa mga nakumpiskang sasakyan.


Ayon naman kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patunay ito na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa smuggling lalo na sa katiwalian.

Sinabi ni Roque na mas magandang sirain nalang ang mga sasakyan dahil kung ito ay isusubasta pa ng BOC ay mabibili lang din ito ng mga nagpasok ng mga ito sa bansa.
Matatandaan na noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay pinasira din nito ang mga luxury vehicles na nasabat ng BOC.

Facebook Comments