
Pinag-iingat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagbili ng mga imported na sibuyas ngayon sa merkado matapos magpositibo sa E. coli ang mga nakuhang sample sa Paco Public Market sa Maynila.
Ipinakukumpiska na rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga nasabat na sibuyas
alinsunod na rin sa Food Safety Act of 2013.
Paalala ng ahensya, mapapansing mas malaki ang mga imported na sibuyas at mas malinis tingnan kung ikukumpara sa lokal na sibuyas.
Ipinag-utos na ni Sec. Laurel sa Bureau of Plant Industry (BPI) at iba pang DA units na mahigpit na bantayan ang mga merkado at agad na kumuha ng sample kung may mapansing hinihinalang smuggled na sibuyas para agad na masuri.
Binigyang-diin pa rin ng DA na wala silang inilalabas na permit para sa pag-aangkat ng sibuyas simula nitong mga unang buwan ng taon.









