Nasabat na tone-toneladang radioactive materials sa Zambales, iniimbestigahan na ng DENR

Iniimbestigahan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nakumpiskang na tone-toneladang Radioactive Materials sa Zambales.

Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, isinasailalim ang toxic materials sa Laboratory Test mula sa kagawaran at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).

Kapag nag-negatibo sa banta ng panganib ay maglalatag ng Regulated System ang DENR para hindi na maulit ang insidente.


Sinabi rin ni Antiporda na nakikipagtulungan din ang South Korea hinggil dito.

Inaalam na ng DENR kung sino ang importer at ang consignee ng toxic waste.

Facebook Comments