NASABAT | P10M halaga ng shabu at marijuana na-i-turn over ng BOC sa PDEA

Manila, Philippines – Na-i-turn over na ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 2,066 grams o 2.06 kg ng Shabu na may street value na P10M at 127.60 grams ng kush weeds.

Ang mga kontrabando ay nasabat kamakailan sa FEDEX Warehouse, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kapwa mula sa California, USA.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña itinago pa ang mga illegal na droga sa laruan.


Ang 1kg ng shabu ay inilagay sa lego habang ang nalalabing 1.0038 kg ng shabu at 127.60 grams ng kush weeds ay itinago naman sa isang manika.

Naka-consign ang 2 parcel kina Savannah Valdez ng General Trias, Cavite at Emmer Soncruz Medina ng Quezon City na dumating sa bansa noong March 28 at April 18 2018.

Sinabi pa ni Lapeña nang dumaan ang mga packages sa x-ray ng customs examiner dito na nila nakita na droga pala ang laman ng mga laruan.

Facebook Comments