NASABAT | P3M halaga ng nakumpiskang pekeng gamot, naiturn over na sa MPD

Manila, Philippines – Nai-turn over na ng Manila Police District (MPD) sa tanggapan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga pekeng gamot na kanilang nakumpiska sa Sampalok, Maynila.

Sabado ng gabi nang salakayin ng MPD at CIDG ang isang bodega kung saan nadiskubre ang nasa animnapung kahon ng mga pekeng gamot para sa lagnat, pain killer at male sex enhancement.

Ang mga gamot ay nagkakahalaga ng 3 milyong piso.


Noong nakaraang linggo rin ng makasabat ng mga pekeng gamot sa isang bodega sa Tondo, Maynila.

Umapela naman ang MPD sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya sakaling may nalalaman silang nagpapakalat ng mga pekeng gamot sa kanilang lugar.

Facebook Comments