NASABAT | P9-M halaga ng party drugs, nakumpiska ng PDEA sa QC

Quezon City – Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation ang mahigit P.9 milyon halaga ng party drugs sa Quezon City.

Sa nasabing operasyon, nadakip ng PDEA ang suspek na si Bruce Carlo Santos, na residente ng Bagungbayan, Taguig City.

Ayon sa PDEA, ikinasa ang drug buy-bust operation laban sa suspek sa Mother Ignacia Avenue kung saan nakumpiska mula sa suspek ang may 330 piraso ng tableta na ecstasy at 40 kapsula ng ecstasy, na nagkakahalaga ng P777,000.00 at siyam (9) na bote ng energy drink na naglalaman ng 1,100, ml liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P165,000.00.


Hinala ng PDEA na posibleng kagrupo ng suspek ang nahuli ng NCRPO Northen Police District (NPD) sa Quezon City kung saan nakuha sa kanila ang mga party drug na ibinebenta naman sa mga club sa Quezon City.

Facebook Comments