NASABAT | Samu’t saring kontrabando, nasabat sa greyhound operation

Cebu City – Samu’t saring kontrabando ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang oplan greyhound sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC), sa Barangay Kalunasan, Cebu City.

Kabilang sa mga nasabat sa mga preso ang mga cellphone, mobile chargers, pera, sigarilyo, drug paraphernalia, at matutulis na bagay.

Ito na ang ikalawang greyhound operation na isinagawa sa CPDRC ngayong taon.


Facebook Comments