NASABAT | Smuggled na agricultural products, nakumpiska ng BOC

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs at ng mga tauhan ng Manila International Container Port ang pitong Containers na naglalaman ng smuggled agricultural products at mga sigarilyo.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena ang mga naturang Containers na pawang mula sa tsina ay dumating sa bansa ng iba’t ibang petsa ay nag deklara na ang kanilang mga prudokto ay women interlining, non woven interlining, fresh apples at mga household wares.

Pero nang ito at buksan ang mga dineklarang produkto at may mga halong sako sakong sibuyas, kahon kahon na carrots at mga kahon ng mga pekeng sigarilyo.


Dahil dito ay susupindehin ng Customs ang Accreditation ng mga Consignee na Khalevskies enterprise, Trixceab trading, Ashton and Ilyze trading, Yohan rein trading at Marid industrial marketing.

Maliban dito ay sasampahan din ng kaso ang mga naturang Consignees dahil sa paglabag sa Section 1400 at Section .1113 ng Customs Modernization and Tariff Act habang mag iisyu naman ang MICP ng Warrant of Seizure and detention laban sa mga naturang Shipment.

Ayon kay Lapeña ang estimated market value ay papalo sa 36.5 million pesos.

Dahil dito ay muling umapela si Lapeña sa mga negosyante na gawin ng leagl ang kanilang mga negosyo at huwag gulangan ang gobyerno dahil ang ginugulangan ng mga ito ay ang kanilang kapwa Pilipino.

Binantaan din ni Lapeña ang mga ito na hindi siya titigil na mag isyu ng mga alert orders at magsagawa ng immediate inspection sa mga kahina hinalang shipment.

Facebook Comments