MANILA – Nagalit ang Senadora, partikular sa DOJ dahil wala pang nakakasuhan na smuggler ng bigas. Kahit si David Bangayan “alyas David Tan”na natukoy na rice smuggler ay wala pang kaso hanggang sa ngayon.Pinagalitan din nito ang Customs, dahil hindi ipinatutupad ni Commissioner Bert Lina ang single window system para sa rice import. Hindi rin nakaligtas sa sermon si National Food Authority Administrator Renan Dalisay dahil sa pagbibigay nito ng import permit sa pribadong sektor.Paliwanag ng NFA, maaapketuhan ang presyo ng bigas kung gobyerno lamang ang hahawak ng imported na suplay. Kaugnay nito, handa naman si dalisay na bumaba sa puwesto sakaling mapatunayang tamalak ang smuggling sa kanyang pamumuno.Samantala, lumitaw din sa Senate hearing na mas tumindi ang smuggling ng bigas ngayong Aquino Administration kumpara sa naitala noong Arroyo Administration. Sa datos ng United Nations Comtrade Report, noong 2010 hanggang 2014 naipuslit ang may 2.7 milyong metriko toneladang bigas na nagkakahalaga ng 83.16 billion pesos.Doble ito sa naitala noong 2005 hanggang 2009 na 1.06 milyong metriko tonelada ng bigas na nagkakahalaga ng 31.9 billion pesos.
Nasabon Ni Sen. Chyntia Villar Ang Mga Opisyal Ng Department Of Justice, National Food Authority At Bureau Of Customs Sa
Facebook Comments