NASABUGAN | 8 sundalo, sugatan nang aksidenteng sumabog ang isang IED sa Sulu

Sulu – Sugatan ang walong sundalo nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, aksidenteng napatid ang IED habang nagsasagawa sila ng clearing operation.

Kinokolekta ng mga sundalo ang mga armas at pampasabog matapos ang pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na pinamumunuan nina ASG Sub Leaders Almujer Yaddah, Sonny Boy Sajirin at Ellam Hasirin.


Ang mga sugatang sundalo ay kasalukuyang nasa Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo kung saan patuloy silang nagpapagaling.

Patuloy naman ang ginagawang pagtugis ng mga militar sa mga miyembro ng ASG.

Facebook Comments