NASABUGAN | Anim, sugatan matapos sumabog ang isang granada sa Compostela Valley

Compostela Valley – Sugatan ang anim katao kabilang ang tatlong bata matapos na sumabog ang isang granada sa Purok 1, Barangay Bukal, Nabunturan, Compostela Valley.

Nakilala ang mga biktima na sina Jessavee Mae G. Aranaydo, siyam na taong gulang; Christian Abellana, 8-anyos; Jay-Art Javillana Jr., 4-anyos; Cecile Nuebe, 41-anyos; Catalino Buñol, 40-anyos; at Daisy Pandisigue, 18-anyos.

Hindi pa malaman kung paano sumabog at saan galing ang nasabing granada kung saan patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga otoridad.


Naniniwala naman ang otoridad na posibleng nagmula ang granada sa sagupaan ng militar at New People’s Army (NPA) sa lugar at mabuti na lamang na sa bakanteng lote ito sumabog pero tinamaan pa din ng mga shrapnel ang mga biktima.

Facebook Comments