NASABUGAN | DOH, iimbestigahan ngayong araw ang pagsabog ng vaping device

Manila, Philippines – Iimbestigahan ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang umano ay pagsabog ng vaping device na ikinalapnos ng mukha ng 17-anyos na lalaki.

Ayon kay health secretary Francisco Duque III – makikipagpulong siya sa mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) para siyasatin ang insidente.

Aniya, aalamin nila kung saan nanggaling ang vaping device at otorisado ba ang nagbebenta nito.


Nabatid na nagkaroon ng matinding sugat sa labi, ngala-ngala at labi ang biktima.

Nasunog at nagdulot ng hematoma ang upper at lower lids ng mga mata nito.

Lumabas sa mga paunang ulat, na problema sa battery ng vaping device ang dahilan ng pagsabog.

Nagpapagamot ang biktima sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

Facebook Comments