NASABUGAN | Sundalo, sugatan matapos sumabog ang isang bomba sa Maguindanao

Maguindanao – Sugatan ang isang sundalo matapos na sumabog ang isang bomba na itinanim ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Sa ulat ng 601st Brigade, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 57th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Labu-Labu Datu Hopper Ampatuan Maguindanao nang biglang sumabog sa gilid ng kalsada ang isang Improvised Explosive Device (IED).

Dahil sa lakas ng pagsabog tinamaan ang isang sundalo sa kanyang paa at braso kung saan agad siyang dinala sa Camp Siongco Hospital at nasa ligtas ng kalagayan.


Ang IED ay gawa sa isang bala ng 81mm mortar, 9 volts battery, blasting cap at cellphone bilang triggering mechanism.

Kasalukuyang nasa heightened alert ang militar at pulisya laban sa banta ng BIFF sa Maguindanao.

Facebook Comments