NASAGASAAN | Lalaki, patay sa PNR train

Manila, Philippines – Patay nang masagasaan ng tren ng PNR ang isang lalaki sa Pandacan, Maynila.

Ayon sa hepe ng Beata PCP na si Inspector Genesis Aliling, nangyari ang aksidente alas 6:20 umaga ng kanina habang papatawid sa riles ang biktima.

Batay sa identification cards na nakuha sa bag ng biktima ay nakilala itong si Remy Orlino, construction worker ng DMCI.


Tinatayang nasa pagitan ng 50-53 anyos ang edad ng biktima na nagkalasog-lasog ang katawan.

Sabi ni Aliling, marahil ay papasok sa trabaho ang biktima na taga-Masinloc, Zambales dahil may proyektong ginagawa ang DMCI malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Batay sa kwento ng mga bystander, tulala ang biktima habang naglalakad kaya at hindi nito napansin ang paparating na tren.

First trip ng PNR na may body number 8 engine no.922 na galing ng Alabang patungong Divisoria ang nakasagasa sa biktima sa bahagi ng Barangay 865, Zone 4 Pandacan, Maynila.

Facebook Comments