NASAGASAAN | Lalaking lasing, patay matapos masagasaan ng tren ng PNR

Makati City – Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railway (PNR).

Alas 9:36 kaninang umaga nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng Barangay Bangkal sa Makati City.

Nakilala lang ang biktima sa pangalang “Daniel” na tinatayang nasa 34 hanggang 36-anyos.


Ayon sa mga saksi, pumailalim pa sa tren ang lalaki na umano ay katatapos lang mag-inom.

Iniimbestigahan na ng Makati police ang insidente.

Facebook Comments