NASAGI | Dalawang security guard at dalawang construction worker, sugatan matapos magrambulan

Parañaque City – Sugatan ang dalawang security guard at dalawang construction worker matapos mauwi sa rambulan ang kanilang inuman sa isang bar sa Quirino Avenue, Barangay Baclaran, Parañaque City kaninang madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon ng Baclaran Police, nag-iinuman ang dalawang sekyu pasado alas-2 ng madaling araw, nang masagi nila ang dalawang construction worker sa pagsasayaw.

Dito na nagtalo ang dalawang kampo na nauwi sa kanilang rambulan sa labas ng bar.


Agad rumesponde ang mga opisyal ng barangay pero nasuntok din ang isang barangay tanod.

Mahaharap ang mga ito sa reklamong resisting arrest, alarm and scandal at direct assault.

Facebook Comments