NASAGIP | 4 na Pinoy, nakitang palutang-lutang matapos wasakin ng bagyo ang bangkang sinasakyan

Malaysia – Apat na Pilipinong mangingisda na anim na araw na nagpalutang-lutang sa dagat ang na-rescue ng Malaysian authorities sa Pulau Billean, Sandakan.

Ito ay matapos na masira ng alon ang sinasakyan nilang bangka dahil pananalasa ng Bagyong Vinta sa Palawan.

Kinilala ang mga nasagip na sina Arnei Fetalvero Viana, Joseph Aque, Roger Chaves at Thomas Taboso.


Agad namang ginamot ang tinamong sunburn ng mga mangingisda, pinakain saka itinurn over sa Philippine authorities.

Samantala, patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa isang tugboat kung saan sakay ang nasa 16 na pilipinong crew nito gayundin sa 30 hanggang 40 bangkang hinampas ng alon sa Mangsee Island.

Una rito, 32 bangkay na karamihan ay mga mangingisda ang narekober na ng rescue and retrieval teams habang 59 na iba pa ang nawawala.

Facebook Comments