NASAGIP | Tatlong taong gulang na batang babae na biktima ng pang-aabuso ng sariling ina, nasagip ng DSWD

Cebu – Nailigtas ng Department of Social Welfare and Development Region-7 (DSWD-7) ang isang tatlong-taong gulang na bata na biktimang pang-aabuso ng sariling ina.
Nahuli naman ang ina ng bata na si alyas “Mary” sa isang entrapment operation na isinagawa ng PNP-Women and Children’s Protection Center sa Lapu-Lapu City.
Naaktuhan mismo ng mga pulis ang suspek na inaabuso ang kanyang anak habang naka-livestream sa mga posibleng customer nito.
Patuloy naman ang follow-up operation ng PNP dahil posibleng mayroon pang ibang biktima ang suspek base na rin sa mga narekover nilang mga mahahalay larawan ng mga bata, kabilang na ang isang 5-anyos na batang babae.

Facebook Comments