NASAKLOLOHAN | Halos 1,000 katutubong namamalimos, nasagip

Nasa 903 na katutubong namamalimos ang nasagip ng NCRPO mula December 11 hanggang ngayong December 21 bilang bahagi ng implementasyon ng Presidential Decree no. 1563 o Mendicancy Law.

Ayon kay Police Director Guillermo Eleazar, hepe ng NCRPO, halos animnapung porsyento rito ay mga menor de edad.

Nasa 300 namamalimos ang nasagip sa QCPD at MPD, mahigit isangdaan sa SPD at mahigit dalawampu sa NPD AT EPD.


Karamihan sa mga nasagip binigyan lang ng warning at saka pinalaya. Ang iba naman kinasuhan ng revised ordinance laban sa scavenging.

Ang mga menor de edad naman ay sumailalim sa counselling at tinurnover sa DSWD.

Facebook Comments