NASAKOTE | 3 holdaper na suspek sa pananaksak sa working student, naaresto na

Tondo, Maynila – Nahuli na ng mga pulis ang tatlong holdaper na pinagtulungang saksakin ang isang working student na lalaki sa Tondo, Maynila.

Arestado sa ikinasang follow up operation ng pulisya ang mga suspek na sina Ricky Lagorta 19-anyos, Francis Sablay 19-anyos at isang Danilo Doktora, 18-anyos.

Napaamin si Doktora na siya ang unang sumaksak sa biktimang si Miko Agtalon.


Idinawit din niya sa pananaksak ang kaibigang si Francis habang hugas kamay naman ang isa pang suspek na si Ricky na itinuturong lookout.

Galit na galit naman ang mga kamag-anak ng biktima sa nangyari lalo pa’t kilala nila ang mga suspek.

Sa ngayon ay nagpapagaling ang biktima habang haharap ang tatlo sa kasong robbery with physical injury at pinag-aaralan pa kung pwedeng maiuwi sa frustrated homicide.

Facebook Comments