Dapat makatanggap ng insurance ang sinumang namatay o naaksidente sa pampublikong sasakyan.
Ito ang pahayag ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kasunod ng pagkamatay ng babaeng konduktor, suspek na pasahero na nagsaboy ng flammable material at kinasugat din ng apat na pasahero.
Ayon sa pinuno ng LCSP na si Atty. Ariel Inton, sa ilalim ng Personal Passenger Accident Insurance (PPAI) ay may matatangap na tulong kapag sila ay namatay o nasaktan habang nasa loob ng pampasaherong sasakyan.
Sa ngayon, patuloy ang pagsusumikap ng nasabing grupo para mas maprotektahan pa ang mga pasahero tulad nalang ng isinulong ng LCSP upang mapataas ang matatanggap na tulong ng biktima.
Hinihok naman ni Atty. Inton ang mga operator na dapat tiyakin na may pamatay sunog ang mga sasakyan at dapat aral ang kanilang empleyado para maka-aksyon ng nararaparat sa mga pagsubok habang namamasada.