Manila, Philippines – Aminado si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na nasaktan siya sa pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng Kamara.
Sa kanyang speech sa mass oath-taking ng mga bagong talagang local officials sa Tagum City, sinabi ni Alvarez na tao lamang siya at nasasaktan.
Pero tumagal lamang aniya ng isang araw ang sakit na naramdaman niya.
Nawala rin naman agad aniya ang sakit matapos niyang makita ang reaksyon ng publiko sa pangyayari.
Sinabi naman ni Alvarez na smooth transition ang tinalakay ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo nang sila ay magkausap noong Miyerkules.
Kinumpirma rin niyang tatakbo muli siya bilang Davao del Norte District Congressman.
Facebook Comments