Cavite – Nagpatupad na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na naapektuhan ng pag-ulan at malawakang pagbaha nitong mga nakalipas na araw.
Kasunod ito ng deklarasyon ng state of calamity sa mga sumusunod na lugar:
Marikina City
Cavite
Paombong, Bulacan
La Paz, Tarlac
Masantol, Pampanga
Licab, Nueva Ecija
Balanga, Bataan
Dinalupihan, Bataan
Pangasinan: Dagupan City, Calasiao, Sta. Barbara, San Carlos, Bugallon, Mangatarem, Bani, Lingayen
Ifugao: Lagawe, Asipulo, Lamut
Sa ilalim ng Republic Act 7581 o Price Act of the Philippines otomatikong walang magiging paggalaw sa presyo ng basic commodities sa loob ng 60 araw mula nang ideklara ang state of calamity.
Sakop ng price freeze ang bigas, mga delatang pagkain tulad ng sardinas gayundin ang processed milk, kape, sabong pampaligo at panlaba, gamot, instant noodles, kandila, tinapay at bottled water.
Maliban na lamang sa petroleum products at LPG na hanggang 15 araw lamang ang price freeze mula nang ideklara ang state of calamity.