NASALISIHAN | Mga operatiba ng Malate Police Station 9, natakasan ng mga bilanggo

Manila, Philippines – Kinumpirma ni MPD Station 9 Commander P/Supt. Roberto Domingo, na nakatakas sa kamay ng mga Police Escort ang isang Armand Arroyo, na nahaharap sa kasong pag iingat ng Ilegal na droga o paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act kaninang madaling araw.

Paliwanag ni Domingo isinugod pa aniya sa ospital ng Maynila si Arroyo, dahil sa reklamo nito na paninikip ng kanyang dibdib, dahil sa may sakit ito sa puso,o enlargement of the heart.

Base sa kaniyang Medical Record minabuti pa ng MPD Station 9 na isugod sa Emergency Room ng Ospital ng Maynla dahil sa lupaypay na umano si Arroyo at iba na ang kulay nito.


Matapos na gumanda ang pakiramdam ni Domingo habang nasa loob ng Ospital ng Maynila , ay nagpaalam umano ito na gagamit lamang ng Palikuran.

Subalit makalipas ng ilang minuto dito na lamang napagtanto ng apat na Police Escort na natakasan na sila.

Kaugnuy nitoy pansamantalang ni relieve o inalis sa pwesto ni Supt. Domingo ang lima niyang mga tauhan kabilang ang Deputy Station Commander na si P/Chief Inspector Romeo Salvador, Police Escort na sina SPO3 William Reyes, SPO3 Abenojar at dalawang may ranggong PO1.

Sasampahan din aniya ang mga ito ng kasong Administration dahil sa kapabayaan at kaniya itong pinagpapaliwanag sa nangyaring pagtakas ng isang bilanggo.

Facebook Comments