Manila, Philippines – Dalawang sasakyan na gumagamit ng number 8 protocol plate ang nasampolan na ng PNP-Highway Patrol Group.
Nakumpiska ang isang Ford at isang Chevrolet sa lungsod ng pasig makaraang ireklamo ng mga opisyal ng barangay na nakaparada lang sa kalsada.
Ayon sa PNP-HPG, nakitaan pa nila ng blinkers at wang-wang ang sasakyan na ipinagbabawal ikabit sa mga private vehicle habang ang isa ay may sticker pa ng seal ng Office of the President.
Nasa kustodiya na ng PNP-HPG ang dalawang sasakyan habang pagmumultahin ang mga may-ari nito.
Facebook Comments