Marikina City – Mahigit 50 personalidad na lumabag sa mga ordinansa sa lungsod ng Marikina pinagdadampot ng Marikina Police Station.
Seryoso ang mga tauhan ni Marikina City Police Station Chief of Police Senior Superintendent Roger Quesada sa kanilang isinasagawang Simultenous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa iba’t-ibang lugar sa Marikina City.
Ayon kay Police Senior Superintendent Quesada, 52 personalidad ang kanilang inimbitahan sa Marikina Police Station dahil sa iba’t-ibang paglabag sa mga ordinansa kabilang mga nakahubad pang itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar, pag-iinom, pagkakalat at natutulog sa mga kalye sa naturang lungsod.
Paliwanag ng opisyal nais nilang ipakita sa publiko na mahigpit ang kanilang kampanya hindi lamang sa mga gumagamit ng ilegal na droga kundi maging sa mga lumalabag sa mga ordinansa ng Marikina City Government.
Hinimok ni Quesada ang publiko na makipagtulungan sa pulisya at isumbong sa kanilang tanggapan kung mayroon silang nalalaman na mga gumagawa ng ilegal na aktibidades o may kahina-hinalang pagkilos sa kanilang nasasakupan upang mabigyan agad ng kaukulang aksyon ng pulisya.
NASAMPOLAN | 52 na pasaway sa Marikina, pinagdadampot
Facebook Comments