Nasamsam ang mahigit ₱13.6 milyong halaga ng shabu sa lungsod ng Zamboanga

Dalawang kilo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga 13.6 milyong piso ang nasamsam ng pinagsanib pwersa ng kapulisan sa lungsod ng Zamboanga ngayong hapon mula sa ikinasang anti-illegal drugs buy bust operation sa Putik-Tumaga Road.

Samantalang tatlong suspek naman ang nahuli na kinilalang sina Isniraya Hadjamon Hassan,60 taong gulang,residente ng Barangay Kasanyangan,at sina Katrina Baybayan Ajihil,26 taong gulang at si Gapor Muhadjin Jalaluddin,32 taong gulang pawang mga residente ng Tawi-Tawi.

Batay sa ulat, galing umano ang mga nasamsam na illegal na droga sa Tawi-Tawi at ipinuslit dito sa lungsod ng Zamboanga.


Facebook Comments