Umakyat na sa 2039 Firearms ang nasamsam ng Philippine National Police mula nang ipatupad ang COMELEC Gun Ban.
Ito ay batay sa ulat na inilabas ni PNP spokesperson Sr Supt. Bernard Banac, epektibo mula Enero a-13 hanggang alas-6 ng umaga ng Marso a-8.
Ang mga nakumpiska, na-rekober At isinukong mga baril ay binubuo ng 1,553 small firearms, 41 light firearms, at 445 na mga paltik at improvised firearms.
Sa loob din ng panahong nabanggit, 16,379 na ibat ibang deadly weapons din ang nakumpiska ng PNP na kinabibilangan ng bladed weapons, granada, Improvised explosive device, mga bala, at firearms replicas.
Ang COMELEC Gunban ay magtatagal hanggang buwan ng Hunyo.
Facebook Comments