Nasawi dahil sa Bagyong Bising, umakyat na sa 4 habang 13 sugatan

Umabot na sa 4 ang naitalang nasawi at 13 ang sugatan sa Region 5, 7, 8 at 11, dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

It ay base sa huling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8AM.

60,601 na pamilya naman ang iniulat na apektado ng bagyo sa 965 na barangay sa Region 2,5, 8 at CARAGA.


Sa bilang na ito, 4511 na pamilya ang inilikas sa 252 evacuation centers, habang 6269 na pamilya ang nakitira muna sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Umakyat naman sa mahigit 211 na milyong pisong halaga ang pinsala sa agrikultura at mahigit 10 milyong sa imprastraktura sa Region 5 at 8.

Nakapagtala rin ng isang libong bahay na partially at totally damaged sa Region 5, 8 at CARAGA.

Facebook Comments