Nasawi sa Bagyong Agaton, umakyat na sa 172!

Umakyat na sa 172 ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Agaton.

Sa 8 a.m. report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 156 sa mga casualty ang naitala sa Eastern Visayas; 11 sa Western Visayas; tatlo sa Davao Region at dalawa sa Central Visayas.

Sa nasabing bilang, 12 ang kinumpirma ng NDRRMC kung saan 11 rito ay mula sa Western Visayas at isa sa Eastern Visayas.


Nasa 110 indibidwal naman ang nawawala kung saan 104 sa Eastern Visayas; lima sa Western Visayas at isa sa Davao Region.

Anim lamang sa mga missing ang kumpirmado ng NDRRMC.

Walo naman ang napaulat na nasugatan sa SOCCSKSARGEN, Northern Mindanao, Central Visayas at Davao Region pero anim lamang dito ang kinumpirma ng ahensya.

Samantala, umabot na sa 2,015,643 indibidwal o 583,994 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 2,419 na mga barangay sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Nasa 207,572 katao ang nanunuluyan pa rin sa mga evacuation centers habang nasa 188,348 ang nakikitira muna sa kanilang mga kamag-anak.

Umabot na rin sa 10,393 mga bahay ang sinira ng bagyong Agaton.

Kabuuang 16 na lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity matapos ang pananalasa ng bagyo.

Facebook Comments