Nasawi sa fuel pipeline blast sa Mexico, sumampa na sa 73

Mexico – Umakyat na sa 73 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring fuel pipeline blast sa Central Mexico.

Bukod dito, 74 na iba pa ang nasugatan sa insidente.

Nangyari ang pagsabog matapos na iligal na magkabit ng fuel-line tap sa ipinasarang oil company ang nasa 700 sibilyan sa kabila ng crackdown ng gobyerno laban sa mga nagnanakaw ng langis.


Pero dahil 25 lang ang mga sundalong nagbabantay sa lugar, hindi nila napigilan ang pagkuha ng mga ito ng langis kaya nagdesisyon silang lumayo sa pipeline para maiwasan ang komprontasyon sa mga sibilyan.

Una rito, ipinasara ng gobyerno ng mexico ang oil firm na Petroleos Mexicanos (PEMEX) dahil sa talamak na pagnanakaw doon ng langis.

Facebook Comments