Nasawi sa fuel tanker explosion sa Sierra Leone, umakyat na sa 144

Umakyat na sa 144 ang bilang ng nasawi sa pagsabog ng fuel tanker sa Sierra Leone, West Africa.

Nangyari ang insidente noong November 5 bunsod ng banggaan ng mga sasakyan sa Freetown.

Kabilang sa mga nasawi sa insidente ay ang mga residenteng dumagsa sa pinangyarihan ng banggaan para kumuha ng mga tumagas na langis mula sa fuel tanker.


Samantala, 57 katao pa ang patuloy na ginagamot sa ospital kung saan 11 sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.

Facebook Comments