Umakyat na sa 23 ang bilang ng mga nasawi ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Muntinlupa.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office (CHO) ng lungsod.
Kahapon, may bagong isang pasyenteng nasawi ng COVID-19 sa lungsod na mula sa Barangay Alabang.
Sa kabauuang bilang ng confirmed cases ng nasabing virus sa lungsod ay nasa 164 na at 59 nito ay mga nakarekober na.
Nasa 434 naman ang bilang ng probable cases at 16 naman ang bilang ng suspected cases.
Ang Ayala Alabang, Muntinlupa ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na nasa 32.
Habang ang Barangay Buli naman ang may pinakakunting kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod kung saan apat lang na mga residente tinamaan nito.
Facebook Comments