Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay, sumampa na sa 25

Umaabot na sa 25 ang mga napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, dalawa sa naturang bilang ang kumpirmadong may kinalaman sa bagyo habang ang nalalabi ay for validation pa.

Maliban sa mga nasawi, mayroon ding napaulat na 52 nasaktan at 20 na napaulat na nawawala.


Samantala, patuloy ring lumolobo ang bilang ng mga apektadong indibidwal.

Sa ngayon, nasa 554,837 pamilya o katumbas ng 2,397,336 na indbidwal ang apektado mula sa 4,111 na brgy sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments