Nasawi sa pananalasa ng bagyong Hato sa Hong Kong at Macau, umakyat na sa labingdalawa

World – Umabot na sa labingdalawa ang patay sa pananalasa ng typhoon Hato sa Hong Kong at Macau.

Walo sa mga nasawi ay mula sa gambling hub sa Macau, na malalang tinamaan ng bagyo.

Sa sobrang lakas ng hangin na dala ng bagyo, makikita sa mga nag-viral na video sa Facebook na maging ang mga naglalakad sa kalsada ay tinatangay ng hangin habang ilang lugar na ang binaha.


Isang lalaki rin ang nadaganan ng isang delivery van.

Milyong-milyong dolyar ang tinatayang halaga ng nasirang ari-arian sa hagupit ni typhoon hato.

Huling namataan ang bagyo patungong Southern China.

Facebook Comments