Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na apat pa lang ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, apat pa lang mula sa 58 na naiulat na nasawi ang kanilang nabeberipika.
Aabot naman aniya sa 199 indibidwal ang nasugatan habang 18 ang nawawala.
Sinabi naman ni Timbal na hindi nila binabaliwa ang ulat ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa bagyo.
Nais lamang aniya nilang makasiguro na na-verify ang mga detalyeng kanilang inilalabas.
Facebook Comments