NASAWING BOTANTE SA BINMALEY, WALANG DINARAMDAM NA SAKIT

Wala umanong dinaramdam na anumang sakit ang nasawing 68 anyos na lolong nakaboto pa sa Binmaley bago pumanaw.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay Binmaley Police Station Deputy Chief of Police PCpt. Alexander Supsupin, inahayag umano ng pamilya na walang sakit ang nasabing biktima.
Posible umanong dahil na rin pagkakatanda at maaari ring nakaapekto ang naranasang mainit na panahon noong araw ng halalan.
Matatandaan na bigla na lamang bumagsak ang biktima pagkalabas nito sa kaniyang voting precinct matapos bumoto. Sinubukan pang itakbo ang lolo sa ospital ngunit Idineklarang dead on arrival. Patuloy ang paalala ng awtoridad na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang matinding init na nararanasan tulad nang pag-inom ng maraming tubig at ilang panangga sa init. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments