Nasawing health worker na tinamaan ng COVID-19 at nabakunahan ng Sinovac, posibleng walang makuhang indemnification

Posibleng walang makuhang indemnification o kompensasyon ang nasawing medical technician na tinamaan ng COVID-19 at nabakunahan ng Sinovac.

Sa interview ng RMN Manila kay National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) Vice Chairperson Dr. Rommel Lobo, ipinaliwanag nito na hindi sa bakuna kontra COVID-19 nasawi ang 47-years old na health worker kundi dahil sa comorbidity niya.

Binigyan-diin ni Lobo na hindi ang Sinovac ang nag-trigger sa kanyang comorbidity dahil ang anti-COVID vaccine ay isang patay na virus na hindi kayang makapag-activate ng sakit ng isang tao.


Batay tala ng committee, umabot na sa 7,469 ang nakaranas ng adverse events sa covid-19 vaccine kung saan 3,769 rito ay sa AstraZeneca habang 3,700 sa Sinovac.

Ayon kay Lobo, mula sa mga nakaranas ng adverse events, nasa 137 lang ang nakaranas ng serious effect tulad ng severe allergic reaction.

Facebook Comments