Nilinaw ng health authorities na ang namatay na health workers na nabakunahan laban sa COVID-19 ay mayroong comorbidities.
Ayon kay National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) Vice Chairperson Dr. Rommel Lobo, ang 47-anyos na health worker ay mayroong hypertension, diabetes, at bronchial asthma.
Ang babaeng health worker ay nagpa-test sa COVID-19 noong February 21 at nagpositibo siya.
Muli siyang kumuha ng COVID-19 test noong February 23 pero negatibo na ang resulta nito.
Naturukan ang health worker ng Sinovac noong March 4.
Pero March 8 ay nagpositibo muli siya sa COVID-19 at pinayuhan ang health worker na magpa-admit pero tumanggi ito.
Posibleng na-expose siya sa isang COVID-19 positive individual at posibleng asymptomatic siya noong panahong nabakunahan siya.
Isinugod siya sa ospital noong March 10 pero binawian siya ng buhay noong March 13.
Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, inabisuhan na nila ang Sinovac Biotech hinggil dito.