Nasawing mga sundalo sa C-130 plane crash, umabot na sa 50

Isa pang sundalo na kabilang sa nangyaring C-130 plane crash ang namatay habang ginagamot sa ospital.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana, kaya naman umabot na sa 50 ang bilang ng mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng C130 sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Sobejana, ang sundalong ito ay nagpositibo sa COVID-19 kaya kahit gustong madalaw ng kanyang pinsan kahapon, hindi ito nakalapit sa sundalo.


Nagawa pa raw nitong maigalaw ang kanyang mga kamay ngunit kanina ay namatay na.

Sa ngayon, umaabot na sa 53 ang nasawi sa nangyaring C-130 plane crash, 50 ay sundalo at 3 ay sibilyan.

Facebook Comments