Nasawing pasyenteng hinihinalang may COVID-19 na binalot ng packing tape, iniimbestigahan na ng DOH

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang isang cadaver na hinihinalang namatay sa COVID-19 na binalot ng tela at packing tape sa isang ospital sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may tamang pamamaraan sa pag-dispose ng mga labi ng isang tao at dapat ay nakabatay ito sa sanitation code at mga patakaran ng DOH.

Aniya, ang isang taong nasawi dahil sa nakakahawang sakit ay kailangang balutin ng body bags at ma-cremate sa loob ng 12 oras.


Nilinaw naman ni Vergeire na regular na nagbibigay ang DOH ng mga body bag sa mga rehiyon.

Facebook Comments