Nasawing PNP personnel dahil sa COVID-19, nadagdagan pa

45

Umabot na ngayon sa 71 ang mga Philippine National Police (PNP) personnel na nasawi matapos maging infected ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, may isa pang tauhan ng PNP ang nasawi matapos magpositibo sa COVID-19.


Aniya, ang nasawi ay isang 47 anyos na pulis na may ranggong Staff Master Sergeant na nakatalaga sa Lupon Municipal Police Station sa Davao Oriental.

Nasawi ang nasabing pulis nitong mismong Araw ng Kalayaan matapos itong mahirapang huminga habang nasa ospital.

Sinabi pa ni PNP Chief, hindi pa nababakunahan ng COVID-19 vaccine ang nasawing pulis pero wala naman itong iba pang karamdaman katulad ng pneumonia at trangkaso.

Sa kasalukuyan, may 164 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng PNP kaya’t pumalo na ito sa 25,866 kung saan sa bilang na ito 1,865 ang aktibong kaso.



Nadagdagan din ng 89 ang bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat naman na sa 23,930 ang total recoveries sa COVID-19 sa hanay ng PNP.

Facebook Comments