Nasawing PNP personnel dahil sa COVID-19, umabot na sa 70

29

Umabot na sa 70 ang nasawing Philippine National Police (PNP) personnel matapos na maging infected ng COVID-19.

Ito ay matapos na masawi ang isang 34-anyos na police corporal na nakatalaga sa PNP Special Action Force sa Surigao del Sur.


Siya ay namatay kahapon ng umaga, June 6 nang isugod sa isang ospital sa Surigao del Sur dahil sa panghihina.

June 7, inilipat siya sa Agusan del Sur at nagpa-antigen test at siya ay positibo kaya isinalang agad siya sa confirmatory test pero bago pa lumabas ang resulta ay binawian na siya ng buhay.

Batay sa confirmatory test result positibo ang pulis sa COVID-19.

Sa ngayon, mayroon nang 25,190 COVID-19 total cases sa PNP, sa bilang na ito mayroong 1,756 active cases.



Habang umabot na sa 23,364 ang gumaling matapos na madagdag ang 113 recoveries.

Facebook Comments