Nasawing Sundalo sa Labanan ng 95th IB at NPA, Pinangalanan Na!

City of Ilagan, Isabela – Pinangalanan na ang nasawing sundalo ng 95th. Infantry Battalion Philippine Army matapos ang sagupaan kahapon sa mga kasapi ng Reynaldo PiƱon Command sa Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Unang kinumpirma kahapon ni Captain Noriel Tayaban, OIC ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th. Infantry Division Philippine Army ang nasawing sundalo habang nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mahigit limulang na apatnapung miyembro ng NPA sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, isang misa na ang isinagawa kaninang umaga sa 5th. Infantry Division para sa labi ni Sergeant Juny Iyadan ng Tabuk City, Kalinga kung saan ay kasama ang mga pamilya at kamag-anak nito.


Samantala kasalukuyan pa rin ang operasyon ng mga kasundaluhan dahil din sa pagdukot kahapon ng NPA sa isang pulis ng PNP Ilagan na si PO2 Danny Maur na nakatira sa Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments